|
Post by jayson on Apr 29, 2006 13:43:00 GMT 7
By: Jojo Gabinete Kung subscriber ng 24/7 ang ina ni Nina Jose, malamang na naiilang na siya dahil halos alam na ng buong Pilipinas ang kanyang sikreto. Si Nina ang Sosy Girl Assumptionista ng Makati ng PBB Teen Edition. Kahapon ng umaga, malungkot na ikinuwento ni Nina kay Bam Romana ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Worried si Nina sa maling impression ng kanyang mga kasama na mayaman sila dahil may yaya siya. Pinoproblema ni Nina ang nanay dahil marami itong financial obligations, sa mga credit card at bangko. Ni hindi nga raw niya alam kung nakakulong na ang nanay niya. Kung kayo ang ina ni Nina, ano ang mararamdaman ninyo sa inosenteng pagtatapat ng kanyang anak sa telebisyon? Source: www.abante.com.ph/issue/apr2906/main.htm
|
|
|
Post by numberonefan on May 20, 2006 7:20:02 GMT 7
sana ma slve na nila yan...
|
|